Ako ngayon |
js2011 |
Noong ipinabubuntis pa ako ng ina ko na si Jessica Vergara Astrianaging maganda ang sitwasyon niya sa kanyang pamilya at sa kanyang biyenan na sina Lilia Austria at Senando Austria. Ang mama ko ay pangdalwa sa magkakapatid, lima silang magkakapatid. Sa kaniliang magkakapatid siya lang ang nagmana sa aming lahi ng nagbabanda at nagmamarjoret. Nagkakilala sila ng aking ama na si Ramil Daquil Austria sa pagmamarjoret dito din sa aming baranggay na love at first sight ang papa ko sa mama ko. Si papa ay bunso sa magkakapatid. Marami silang napagdaanan nung akoy ipinagbubuntis pa lamang. Ipinaglihi ako ng mama ko sa dinuguan ngunit hindi naman ako maitim dahil nasa lahi naming ang mapuputi at kulot J. Ang papa ko ay tuwang tuwa ng sila ay magkaanak na, ako ang panganay na anak at pang pito sa magaapo sa side ng papa ko. Ang aking mama naman nayuyuwa din kasi babae agad ang kanilang anak , ako ang kauna unahang apo sa side ng mama ko, kaya giliw na giliw na silang magkaanak.
January 28, 1994 ganap na alas tres ng medaling araw ng akoy isinilang ng aking ina. Tuwang tuwa sila ang ganda ko daw nung akoy baby pa lamang! Lumaki na si Crisna Day Austria, nagging malikot na at madaldal ang sabi ng mama ko.
1st birthday ko umuwi ang lola o mama ng aking ina na tgaling sa ibang bansa. Ang dami kong handa kasi pinagipunan talaga yun. Hangang sa lumaki na ako ng lumaki hanggang sa natuto na akong magsalita. Pinasok na nila ako sa school sa Villa Antonio 1. Lumalaki ako nagiging paborito ako ng lahat. Dahil bibo daw ako nung baa daw ako!
Hanggang sa makagraduate ako ng kinder pinasok na kaagad ako ng grade one sa Ambray. Ngunit nung akoy nagkasakit inilipat agad ako ng school sa San Gabriel. Doon naging maganda ang kalagayan ko at lumawak ang isipan ko. Marami akong bagong nakilala don. Katulad ng mga kaklase ko na ang bait bait ng sobra sa akin kahit na transfer lang ako dun.
Im crisna day! |
I want to be a model haha:) |
Noong grade two ako marami akong natutunan ko sa teacher kong si Ms. Eseo dalaga pa ito at itoy may boyfriend na sundalo. Nung grade two ako ipinanglalaban ako ng muse sa mga contest. At naging honor pa ako dun! Marami sa aming kaklase may crush ako. Pero ngunit bata pa ako . kapag may nagkakagusto sa akin na absent ako kasi ayoko ng may nagkakagusto sa akin.:)
Grade three ako nakilala ko ang pinakamabait kong kaklase na si Emerson Ballester! Parang magkapatid kame nung mga time na yon. Dahil kahit san kami magpunta lagi kameng magkasama pati mga magulang namin. Noong grade three ako naging muse na naman ako at honor din.
Marami na akong napagdaanan noong grade three ako kasi yung kababata kong lalaki nagkagusto sa akin nun. Pero ayoko naman kasi super close kame nun as in! syempre bata pa, di pa alam ang kung anu ang love! Sa Liceo noon napasok ang aking kababata.
Grade four ako nagkahiwalay kame ng bestfriend ko dahil lilipat na daw sila ng bahay at lilipat na din siya ng school sa Binyan daw. Noon lagi niya akong tinatawagan , mahirap daw ang buhay nila doon hindi katulad nung sila ay nasa San Pablo pa. ngunit walang magagawa yun ang gusto ng tita niya.
Marami siyang napagdaana dahil nagkahiwalay ang magulang niya at nabuntis sa ibang lalaki ang nanay niyaL pero ang kababata ko naman ay going strong pa din sa panliligaw sa akin ngunit ayoko pa dahil bata pa kame nun. Pero nagako kames a isat isa na hanggang sa paglaki namin kame sana ang magkatuluyan. Dahil boto naman ang mga magulang at kamag anak naming.
deya(nickname ko) |
Grade five ako muse pa din ako. In fairness ganun pa din din a bumalik ang bestfriend ko at nawalan na kame ng communication sa isat isa. Ang balita pa daw lalo daw silang naghirap dun.
Hayzzt! Dalaga na ako at the age of twelve may nagkagusto sa aking practice teacher lang sa aming shool. Nalaman ko lang na may gusto sya sa akin dahil iniintay niya ako pag napasok at pag awasan. Marami akong naranasan ditto katulad ng naranasan kong may nagalit sa akin dahil nagkagusto sa akin ang gusto nila. Pero syempre bata pa ako at hindi pa ako marunong makipag away noon. Tuwing walang pasok kasama ko ang aking kababata namamasyal kasama ang kanyang mommy.
Grade six ako at 1st year na ang kababata ko. Muse pa din ako at secretary sa room. Lagi lagging ganun ang ginagawa ko sa school ng San Gabriel lagi daw akong ipinanglalaban kasi baby face daw ako. Happy ako nung mga panahong iyon kasi 1st time kong magka monthly period hindi ko inaasahang magkakaganu na ako. Mahilig pa naman akong maglaro ng takbuhan. Wala ang mama ko nasa ibang bansa sya nun. Kaylangan daw niyang umalis ng bansa kasi mahirap ang buhay nun. Mahirap at masakit pag walang magulang sa Family Day hindi ko makasama ang magulang ko lagging busy si papa ko parang nakakalimutan na kaming magkakapatid. Nalungkot kame dahil hindi na kame naalagaan ng mabuti. Mayron man nag aalaga lola ko, kaso kaso matanda na siya kaya pag minsan hindi na kame masyadong alagang alaga.minsan na lang naming makasama an gaming ama dahil nagrerest day siya pero tuloy pa din ang trabaho niya , nagbabyahe siya sa manila kasama ng bossing niya.
Tapos yung kababata ko naman naging busy sya. Pero pag weekends kasama ko siyang nagaasikaso ng mga papeles niya. Nalaman ko nalang kaya pala siya nagaasikaso dahil papunta nap ala siyang inang bansa. Ang lungkot ko nun dahil unti unti nang nawawala ang mga malalapit sa buhay ko. Iniiwan na nila ako, pagkatapos ng saya lungkot naman ang dumating. Ang sakit sakit sa damdamin ko noon. Unti unti akong nagkakaisip nun at nalalaman ko na ang mga tama at mali.
Pero kahit ganun gagraduate na ako. Uuwi na ang ina kong galing sa Singapore, Taiwan, at kung saan saang bansa. At ang papa ko ay nagka oras na sa amin dahil sinabi ko sa kanya na nawawalan na siya ng oras sa aming magkakapatid.
Pagkalipas ng ilang buwan umasok na ako ng 1st year hanggang 4th year dito sa Col. Lauro D. Dizon Mem. Natl . H.S. marami akong nakilalang mga bagong kaibigan, dati rati natatakot akong mapahiwalay sa mga ddati kong mga kaibigan ko noong elementary ako.
Dito sa paaralang ito dito maraming pagsubok ang dumating sa buhay ko. Minsan nahihirapan ako sa akingpag aaral. Dahil may mga lectures na hindi ko ma gets. Mahilid ako sa Major Subject na AP, Filipino. Medyo nahihirapan ako sa Math dahil nahihirapan pa akong mag compute ng mahaba.
nagmemajoret ako |
Minsan absent ako dahil sa pagmamarjoret ko. Minsan nahuhuli ako sa mga klase sa school. Hindi ako makasabay dahil nga sa asent ako. Nararamdaman ko ding may umaaway dito sa akin sa school. Pero kahit papaanu nalalampasan ko din ito.
At ngayon 4th year na ako at malapit ng gunaraduate. Nagpapasalamat ako sa mga nakasalamuha ko sa school na to. Ditto naramdaman ko na kung pano maging tunay na tao. Salamat sa mga magulang ko na nagpapatuloy sa pa rin sa pag aalaga sa akin at pagtitiyaga, kahit minsan pasaway ako. Pero kahit ganun mahal na mahal ko silang mga pamilya ko. Sana patuloy pa din ang blessings sa buhay ko at sana Makita ko ang taong magpapasaya ng buong buhay ko.
Crisna Day Austria |
At ito ang talambuhay ko. Salamat sa pagbabasa!
:))
No comments:
Post a Comment