Sunday, February 20, 2011

"Ang Talambuhay Ni Sarah Ortega Almeda"

It's Me!
            Ayon sa aking magulang na si Meldy Almeda at Gregorio Almeda nung ako daw ay pinag bubuntis ng aking ina pinaglihi ako sa mangga at kwento nya sa akin ay hindi siya nakain nang itlog nung ipinaglilihi ako.Ang aking panganay  na kapatid na si Giormel Almeda ay isang taon at tatlong buwan pa lamang  nang ako'y nasa tiyan pa lamang ng aking ina. Wika ng aking nanay siyam na buwan akong nasa sinapupunan niya.
My Mother, Kuya and Me!
           Noong Hulyo 13,1994 sa Nagcarlan Laguna ala-una ng hapon isinilang ang isang malusog at napakagandang bata, maputi at mapula ang pisngi ng batang isinilang. Ayon kay Meldy Almeda, ang batang isinilang niya ay pinangalangang Sarah Almeda at ang nagpangalan dito ay ang kanyang pinsang babae. Ang pangalang ito ay nagmula sa bibliya.
          Dalwang buwan pa lamang ako ay pinabinyagan na ako ng aking mga magulang sa Born Again at pinabinyagan din sa Katoliko. Sabi nga ng nanay ko ay magkasabay kaming bininyagan ng aming pinsan ko, kaya naman daw hanggang ngayon ay kadikit ko ang aking pinsan. Minsan nga kapatid pa ang turingan naming at hanggang lumaki ako ay lagi na syang nasa tabi ko.
            Baby pa lang ako ay paborito na ako ako ng aking tito at tita. Sabi nga ni nanay pag gising ko pa lang daw sa umaga ay lagi na akong kinukuha ng aking tito at tita.
My Kuya
       Nung akoy isang taong gulang na, ay pinag handa ako ng aking mga magulang, dahil ako nga ay paboritong apo at anak ay malaki ang paghahanda nila para sa aking kaarawan. Makalipas ang aking kaarawan ang aking nanay ay umalis at nagpunta sa ibang bansa kaya napag pasiyahan niya iwan ako sa kapatid ng tatay ko at ang aking kuya ay iniwan sa aking tatay at lola.
      Nang mga panahong wala si nanay sa tabi ko, ay ipinaramdam ng tito at tita ko na  kung paano ang maging isang magulang para sa akin, kaya ngayon mahal na mahal ko sila dahil lahat ng pagmamahal ay naranasan ko sa kanila at tinuring nila akong tunay na anak. Dalwang taon na na ako medyo wala pang muwang sa mundo noon daw ay sa Pangil Laguna  kame nakatira , wala akong alam gawin kundi matulog at maglaro ng maglaro pag kagising.
    Kwento ng aking tita na second mother ko ay nung ako'y bata pa ako ay sobrang habol sa tito ko na aking ninong, sabi nga nila lagi daw akong buhat ng ninong ko sa balikat at pag gising ko palang sa umaga ay lagi na niya akong pinapasyal at pag hindi niya ako isinama ay di ako titigil sa kakaiyak, kaya napipilitan siyang isama ako sa pupuntahan niya.
   Minsan nga  kahit sa inuman daw ay isinasama ako, kwento din ng second mother ko pag isinasama ako ng ninong ko sa inuman ay ako daw ang taga kain ng pulutan nila. Ako daw ay nakaupo sa lamesang pinagiinuman nila.
      Tatlong taon na ako medyo kaunti lang ang handa ko dala ng kahirapan ng buhay. Gipit kasi kame sa pera ng mga panahong iyon. Pero kahit ganun pinilit pa rin nilang paghandaan ang kaarawan ko. Tumira kame sa Maynila ng ninong at second mother ko kasama ang anak ng second mother ko siya si ate Joy, mabait si ate pero madalas kameng nagaaway dahil lagi niya akong inaasar ng tikling, kasi payat daw ako nung bata ako. At hindi din naman ako nagpapatalo inaasar ko din siya ng kwago kasi malaki ang mata niya.
                Ilang taon din kaming nanirahan sa Maynila pero hindi din kame nagtagal dun, dahil laging nagaaway ang ninong at second mother ko. Umuwi kame sa Laguna, naging masaya ako dahil sa tuwing may nang aaway sa akin siya ang taga pagtanggol ko, apat na taon na ako sabi na second mother ko na mahilig daw akong maglaro magisa pagkatapos kong maglaro ay inaayos kong mabuti ang mga laruan ko.
Mga friends ko sa Nagcarlan
     Dumating na ang aking tunay na ina ako ay takot na takot sa kanya  kaya hindi ako nasama sa kanya , dahil hindi ko pa siya kilala. Pag kinukuha ako ni nanay ay naiyak ako, di kasi ako nasama sa hindi kp kakilala, sabi nila, “yan ang mommy mo kaya kaylangan mong sumama”. Pinilit ni nanay na mapalapit ang loob niya sa akinq, at ayon nagtagupay siya dahil mahal na mahal ko ang nanay ko the BEST MOMMY IN THE WORLD! Madame na akong nakakalaro sa looban , madame na din akong kaibigan , sina Elaine , Ara, Michelle, Micah at Cindy. Lagi kaming magkakasama at masdalas natatawa kami pag naiisip naming na lahat kaming magkakaibigan ay broken family at laha kami ay nasa tatay naming, dahil mas mahal naming an gaming mga tatay. Nakilala ko si Rachelle ang bestfriend ko , hanggang ngayon, sobrang mahal ko si best, dahil lagi siyang andyan para sa akin, pati si Venus.kaming tatlo ang laging magkakasama sabi nga nila , Tres Maria tapos nakumpleto ang buhay ko ng nakilala ko sila at nakasama . . sila ang pinakamahal kong kaibigan.
      Feb.18 2001, birthday ni nanay pinakamasakit na nagyari ay ang paghihiwalay nila ng aking tatay , nagwala si tatay sa sobrang kalasingan at nag kagulo ang mga tao sa bahay , takot na takot ako ng mga oras na iyon, at hindi ko alam ang gagawin ko iyak ako ng iyak nung nalaman kong hiwalay na siladahil hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa kanila.
            Nagkinder ako sa Nagcarlan at nung grade one ako ay sa Pangil ako nagaral, ang kuya ko ay grade three, pag may nang aaway sa kuya ko, hinahabol ko at sinusuntok ko, ayoko kasing ginaganun ang kuya ko, mahirap lang kami noong minsan nga wala kaming baon pag napasok, pero masaya naman ako maski ganun. Lumipat ako sa Vogmes nung ako ay grade two, dahil don nagaaral ang ate ko.    
         Nung grade three na ako dun pa rin ako napasok, nung grade four pinalipat na naman ako ni nanay ng school sa nagcarlan para daw makasama ko siya, namatay ang lola ko noon kaya don na kami pinapasok . ilang buwan din ang nakalipas namatay din ang tito ko.bago mamatay ang tito ko ay nakaailis na si nanay papuntang abroad. Wala na naman si nanay sa tabi naminisang taon lang naming siya nakasama .
           April 2, 2006, bakasyon kame , lumipat kami ng bahay sa San Pablo at ditto nangupahan ng bahay, kasama naming si ate Lucy at ang kanyang anak na si Emilou at Khaye.
        Nag grade six ako sa Bagong Pook Elementary School. At dun na ako gumaraduate.
        1st  year bakasyon na naman at nung pasukan 1st na ko sa dizon high ako pumasok. Kahit papaano mataas naman ang aking section I-D, masarap pala ang buhay high school madalas nakatambay kami.  Bata pa kami kaya wala pang alam sa pagbubul;akbol, at kami’y nag aaral nang maayos. July 7, 2007 naging bestfriend ko si arra camille chiba.  2nd year na ako salamat sa Diyos dahil 2-D ako kasama parin sa mataas na section. Kasama ko parin ang bestfriend ko sa section naming. May transfer kaming ka eskwela si Marcious ang gwapo nya kaya naging crush ko sya kaso bigo ako kasi yung barkada ko ang niligawan nya at naging sila.Naging MU kami ni Paolo dati.

4-fearless
         3rd year na ko lumipat ako ng school sa Balian pero ngayong  4th year bumalik ulit ako sa Dizon High. Sobra ko kasing namiss ang mga barkada ko dito kaso nung nag pasukan hindi ko sila nagging kaklase kasi napunta ako sa 4-F. Nung una akala ko madaming maarte sa room namin pero akala ko lang pala yun kasi nung nakilala ko sila at nakasama ay mababait naman pala. Sobrang saya ko nung nakasama ko sila,ngayon naging ksm ako masaya ang barkadahan namin pero hindi ko na sila nakakasama ngayon kasi ang lagi ko ng kasama ay iba,nung huli nag tatampo sila sakin pero wala akong magagawa kailangan ko kasing pumasok at mag aral ng mabuti.
Partypipz
          Nakilala ko ang mga party pipz noon akala ko mga mayayabang sila kasi puro sila ka artihan, naka close ko si mary ann “pepz” mahal na mahal ako ni pepz at ayaw nyang mapariwara ang buhay ko kaya lagi nya na akong sinasama.kahit saan sya mag punta at dahil dyan nabago nya ako.
Bestfriendjam
       Hanggang sa nakakasama ko na ang lahat party pipz sa room at lagi kaming nag aasaran ng bestfriend ni jamille nung una galit na galit ako sakanya kasi napaka inggay lagi pati yung lagi nyang kasama na si elane. Dahil sa asaran naging mag bestfriend kami ni Jhamille Molina at binago nya ko sya ang dahilan kaya lagi na akong napasok,sobrang saya ko pag kasama ko yan kahit na puro away kami ay mahal na mahal ko parin yang bestfriend ko, masaya ako dahil bestfriend kami hanggang ngayon.
Yhabz
       Lagi kong inaasar si Trisha May kaya asar na asar sya sakin dati, hindi ko akalain na magiging close kami at pahahalagahan ko sya ng ganto.Yhabz ang tawagan namin ni trisha tuwing kasama ko sya hindi ko maipaliwanag ang saya ko, sa lahat ng naging kaibigan ko sya ang iba sa lahat lagi syang andiyan pag may problema ako at hinding hindi nya ako iniiwan. Kahit na anung mangyari kasama ko pa din ang yhabz ko kahit na nag kaka problema ay andito parin kami sa isa’t isa. Mahal na mahal ko ang yhabz ko at kahit kalian hindi ko sya iiwan kahit anung problema pa ang dumating ay andito parin ako para sa kanya at salamat dahil sayo nabago ang buhay ko yung mga masasama kong ginagawa dati ay nawala sakin ng dahil sayo .
       Papahuli ba naman ang Lovelife ko. Syempre hindi!
My Boyfriend
      Nandyan ang pinakamamahal kong mhyne si James Byron . Mahal na mahal ko yan , minsan nga lang natitiis ko siya kasi kaylangan. Para matuto siya, diba tama naman ako, para sa kanya lahat ng ginagawa ko.At ginagawa ko ang lahat para itama siya sa mga mali niyang ginagawa. Masaya ako dahil naging kame. Maige at nakilala na siya ng pamilya ko.
Bff-crisna

KSM 
Eunice&Me
       Ngayon ay hindi na nag kakasama-sama ang party pipz pero kahit ganon hindi parin nasisira ang samahan nila. Masaya ako ngayon sa mga barkada ko na kasama ko ngayon isa na dito si Crisna Day sya ang bff ko hindi nya ako iniiwan kaya hindi ko din sya iniiwan at nangako ako sakanya na habang kasama ko sya ay walang pwedeng manakit sa kanya at aalagaan ko ang bff ko.Mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko ngayon sila ang dahilan kaya masaya ako gusto lang mag pasalamat sa lahat ng nagging bahagi ng buhay ko lalo na sa mga nag pasaya sakin si mean-pepz ko Elane-hapiness ko,Jowin-Tangkad, Eunice-salamat kasi pag may problema ako ikaw ang nagawa ng paraan para masolusyunan lalo na sa lovelife,KSM, PARTY PIPZ….Salamat dahil kahit sa saglit lang na oras na nakasama ko kayo ay binigyan nyo ng kulay ang buhay ko.
       Sa lahat ng 4 FEARLESS-
Signing out: Sarah Almeda
Sana ngayong dadating na graduation ay maka graduate tayong lahat.
        Salamat sa inyong lahat!

Saturday, February 19, 2011

"Ang Talambuhay ni Ma.Elaine P. Manalo"

It's Me!
       September 2, 1994. ang petsa kung kaylan ako ipinanganak, sa Brgy. San Rafael sa bahay na ipinamana ng lola ko sa aking ina ako ipinanganak. Ang aking inang si Susan Manalo at Danilo Manalo ang nagalaga sa akin.
     Sabi ng magulang ko tuwang tuwa sila sa aki kasi ang likot ko daw. Tapos dalwang buwan ang nakalipas pinabinyagan nila ko sa San Roque Parish Church, limang pares ata ang ninang at ninong ko. Ginanap ang handaan sa aming bahay, konti lang ang handa ngunit masaya naming naidaos.
     Noong magisang taon na ako natuto na daw akong magsalita, imik daw ako ng imik. Hindi naman daw maintindihan. Lagi akong kinakausap ng mame ko kahit di pa ako masyadong nakakaintindi. Tapos nung iniwan daw ako ng ina ko sa kama, nalaglag daw ako, pero mabuti wala daw nangyari sa akin na masama. At sobrang kaba daw ng magulang ko kasi baka kung napaano na ako.
     Makalipas ang isang taon. Two tears old na ako. Ipinaghanda ako ng mame at dade ko kahit konti lang para lang macelebrate ang birthday ko. Halos din a nga daw ako ibaba sa pagkabuhat, kasi yuwang tuwa sa akin at mahal na mahal daw ako.
       Tapos noong three years old ako doon natuto na akong magsalita at makipag usap sa mga kumakausap sa akin. Tuwang tuwa daw sila kasi ang daldal ko daw. Hindi daw nila ako makausap ng ayos kasi laro daw ako ng laro, tapos yung mga laruan ko daw, kahit bagong bili pa lang ay sinisira ko na daw, kaya galit na galit ang mame ko. Pero kahit ganun lagi parin akong ibinibili ng laruan.
       Lagi kong kalaro ang kababata kong si Micah. Lagi daw kameng nagaaway sa laruan pinaghihigitan daw namin kaya laging sira ang laruan na binibile sa amin ng mame ko.
      Noong four years old ako, tinuturuan na  ako ng kuya ko na magsulat kahit gure gure, puro bilog , guhit lang ang iodinadrawing ko. Tapos tinuturuan din ako magbasa. Hindi daw ako nakikinig kasi lagi ko dawhawak ang laruan ko, hindi ko daw binibitawan. Naaasar na ang kuya ko na turuan ako kasi sobrang kulit ko daw. Hindi daw ako mapigil sa ginagawa ko , pag may itinuturo daw ang kuya ko.
      Tapos nung five years old ako, pinaghanda din ako ng mommy ko pero pang sarili lang , koti lang kaya hindi daw sila nag inbita , pati walang pera sakto lang palage. Hindi malaki ang sinasahod ng dade ko.
     Nagtatrabaho kasi ang dade ko sa BLTB sa bus, condoktor ang dade ko lagi ako isinasama sa trabaho. Ipinapasyal akop kapag wala masyadong pasahero.
     Ang mame ko naman nag mamanicure, hindi din gano kalaki ang kita minsan meron, minsan walang costomer ang mame  ko.kaya pag minsan labis o sakto ang pera na pinagkakasya ng magulang ko.
     Noong six years old ako hindi nila ako pinaghanda noon kasi sa isang taon na daw. Pinapasok na ako ng dade ko sa kinder garten ang dami kong  kalaro pero ang dame kong kaaway , pero away bata lang naman yun. Kunwari galit pero mamaya bati na ulit. classmate ko din ang kababata kong si Maicah, lagi kameng magkasama pag kakain sa tanghali sinusubuan kame ng mama namin pag kakain , tapos ang kulit naming dalwa kasi kada isang subo namin lagi kameng natakbo, naghahabulan kame lagi kaya lagi din kameng habol ng pamalo ng mama namin.
     Iyak naman kami ni Maicah pero maya maya ayos na ulit kaya takbo na ulit kaya galit na galit ang mama nanin sa amin.
     Noong seven years old na ako yan at tinupad na ng mame ko ang pangako niya, pinaghanda nila ako ang dami kaya lahat ng pinsan ko kasama. Maraming palaro , pagkain , mga laruan tapos madami din akong  batang kalaro. Tuwang tuwa ako noon kasi ang dami kong regalp nun. Galing sa mga classmate ko.,noong pagkabigay nga dawn g regalo sa akin binuksan ko agad tapos nong nakita ko dawn a damit nag hubad daw ako at ipinasusuot ko daw ang bago kong damit sa regalo sa akin.tawa daw ng tawa ang mame ko. Grade one na ako noon , nakakaintindi na ako pero makulit pa din ako sobra daw kaya sabi daw ng mame at dade ko baka mahirapan daw sila sa akin paglaki ko at baka maging pasaway at matigas ang ulo. At niloloko nila ako noon. Ipapaampon daw nila ako kaya iyak daw ako ng iyak, tapos dinagdagan pa ng tiyahin ko na ampon daw ako at napulot lang daw ako sa tae ng kalabaw. Kaya nagmamaktol daw ako, nagdadabog daw ako tanong daw ako ng tanong kung ampon ako, tapos para daw akong kinakawawa kung makaiyak eh inaasar lang naman ako.
      Eight years old na ako grade two na ako. Iyon! Pag nagkaklase na kame lagi akong pinapatayo ng teacher ko kasi nakikipagdaldalan ako, hindi rin ako nakikinig sa mga itinuturo.
      Nine years old na ako, grade three sa Joel Town Elementary School ako pumasok. Hatid sundo ako ng dade ko, lagi nga akong pinapagalitan eh, kasi lagi akong nahingi ng pera bago umalis ang tricycle namin.
     Ten years old ako grade four .Ayan na! nagkapuppy love na ako. Ang pogi lagi akong nakabuntot kung nasaan sya. Jacob name niya, maputi , matangos ang ilong ang pogi talaga san ka pa! Ride na. hahaXD..
     May kaagaw pa nga ako yung pinsan kong si Abigael classmate ko din sya pero yung crush naming ay grade six. Tuwang tuwa ako pag nakikita ko siya , gusto . ko lagi siyang nakakausap. May kapatid pa nga yon eh, dalwang boy bale tatlo silang magkakapatid, lagi nga akong nginingitian ng kapatid niya eh, kasi alam na may gusto ako sa kapatid nila. Noong time na yon alam na ni Jacob na may crush ako sa kanya, yun pala may crush din sa akin, heheJ.
      Dumating ang time na niligawan ako , yun patatagalin pa ba yun, sinagot ko na agad syempre puppy love pa lang naman eh. Iyon tumagal kame ng three months, kaso sad story e, aalis siya papuntang Manila isasama siya ng papa niya lungkot ako ee. Para akong nawalan ng gana, bago siya umalis papuntang Manila nagpadala siya ng sulat iyon iyak ako, kala mo naman sobrang seryoso, pero mahal na mahal ko si Jacob, kahit puppy love lang.
   Eleven years pld ako grade five ang saya kasi kame pa rin ang magkakaklase ng pinsan ko at ng kababata ko. Noong nag Christmas Party kami, lalong ang saya kasi may sorpresa sa akin si Maicah at Abigael, dumating nap ala si Jacob yung crush ko abot tenga ang ngiti ko kasi hindi ko akalain na dadating pala siya, yun! Niyakap ako nakita nga ako ng dade ko na kayakap ko yun, pero ayos lang kasi close naman sila.
     Makalipas ang isang taon , twelve years old na ako yan todo aral, kasi graduating ako baka akoy magulpi ng dade ko pag hindi ako nag ayos , hindi na ako masyadong naglalaro kasi pinapagalitan kame ng kaklase ko ng mga teachers namen kapag nag chachinese garter kame, kasi mga dalaga na daw , naglalaro pa ako nun pa talon talon pa daw ako kaya tinigilan na naming magkakaklase ang maglaro noon.
     Pagdating ng March nag papraktis na kame ng graduation hanggang umabot sa graduation day.
      Pagkatapos ng graduation pag uwi ko sa amin ang dameng pagkain tapos mat mga nagregalo pa sa akin mga accessories mga pabango at damit.
     1st year na ako , yan sa alaminos ako enenroll ng kuya ko pero ng maka isang lingo pa lang ayaw ko na dun pumasok kasi puro project agad,pero ang taas ng section ko doon . 1-pilot to the highest level ang tiya mo. Pero hindi ako tumagal doon nag transfere ako sa Dizon High.. Yan nagustuhan ko napababa ang section ko, pero ang saya naman .Pagkalipas ng isang taon.
         2nd year na ako , kame pa rin ang magkakaklase nina kyle. Jamil, meriel , kame ang magbabarkada, sana kame pa din sa isang taon para hindi na bagong pakikisama pa..
PartyPipz

PartyPipz again
    3rd year na ako ang dameng barkada puro mga boys kung anu anu bakla tomboy halo halo na, dito sa year na to natuto na ako ng kasalawan, katulad ng pagmumura mga kasalawan sa buhay, pero kahit ganun hindi pumasok sa isip naming magbabarkada na mag cutting at magloko sa pag aaral. Dito nabuo ang PARTYPIPZ, dito super sobrang saya , pero malungkot ang lovelife ko dito, napunta sa iba ang mahal ko. Pero ok lang kaylangang mag move on ,
     4th year na ako kame pa din ang magkakaklase ng PARTYPIPZ ngunit walang nagbago sa ugali naming kahit magkakaiba ang section naming nitong 4th year.
Bestfrend Geloi
    Ngayon sobrang saya ko may bestfriend ako si Angelo Resaba, crush ko na siya noon pa, pero nagpapalakad siya sa akin kay Kaizle , sobrang sakit non para sa akin, na maging tulay ng mahal mo para sa mahal niya diba?
      Iyan na ang aking 1st boyfriend si Javeh, nakilala ko siya  kasi barkada siya ng pinsan ko at nagkataong nagswimming kame at nagkita kame don, pero mas unang kumuha ng number ko ay si Anthony , naging kame ni Anthony pero dalwang linggo lang, basta wag nang alamin kung bakit.
   Noong nalaman ni Javeh na break na kame ni Anthony niligawan na ako , tumagal kame ng two months. Pero sawing palad din nag braek din kame sa di maipaliwanag na pangyayari. HahaJ, wag green minded.
@ Ultimart
Valentines!
      Sobrang mahal ko si javeh ayaw kong mawala siya sa akin pero kailangang tanggapin, sad story noh. KAKALERKI
        Pagkalipas ng isang buwan naging kame din ni Carlo, Jerson. Pero di din kame nagtagal eh. Ngayon si Mackey naman ang sobra kong mahal, siya ang pinaka minahal ko sa lahat ng nagging boyfriend ko, pero sawimpalad one month and two weeks lang kame, di ko siya iniyakan kasi parang nasanay ako na wala siya sa tabi ko. Kaya mabilis kong natanggap yung break up naming dalwa.
       Tapos si Christian naman , mahal na niya ako noong una pa kahit kame pa ni Mackey , handa daw siyang mag antay para makasama ako pero ngayon dumating na ang time para sa aming dalawa, wala ng hadlang.
        Thank God kasi ok na lahat , sobrang saya kasi wala nang makapaghihiwalay sa aming dalwa, masaya ako at nakilala ko siya, hindi ako nag sisisi na bigyan siya ng pagkakataon, at sa kanya sigurado na hindi niya ako sasaktan, at iiwan. Sana happy ending at makagraduate sana kameng dalwa para wala ng problema.
4-FEARLESS
    Ineenjoy ko pa ang high school life kasi konting days nalang graduate na kameng buong 4-F. Kaya be happy always, laging masaya sa konting panahon na natitira na magkakasama kame ng barkada mga teacher at ang one and only bestfriends ko at ang bf ko.
It's Me again!
    Maraming salamat sa lahat! Mahal na mahal ko kayong lahat!
    Godbless Us!
     

Ang Aking Talambuhay(Crisna Day Vergara Austria)


Ako ngayon
js2011
         Noong ipinabubuntis pa ako ng ina ko na si Jessica Vergara Astrianaging maganda ang sitwasyon niya sa kanyang pamilya at sa kanyang biyenan na sina Lilia Austria at Senando Austria. Ang mama ko ay pangdalwa sa magkakapatid, lima silang magkakapatid. Sa kaniliang magkakapatid siya lang ang nagmana sa aming lahi ng nagbabanda at nagmamarjoret. Nagkakilala sila ng aking ama na si Ramil Daquil Austria sa pagmamarjoret dito din sa aming baranggay na love at first sight ang papa ko sa mama ko. Si papa ay bunso sa magkakapatid. Marami silang napagdaanan nung akoy ipinagbubuntis pa lamang. Ipinaglihi ako ng mama ko sa dinuguan ngunit hindi naman ako maitim dahil nasa lahi naming ang mapuputi at kulot J. Ang papa ko ay tuwang tuwa ng sila ay magkaanak na, ako ang panganay na anak at pang pito sa magaapo sa side ng papa ko. Ang aking mama naman nayuyuwa din kasi babae agad ang kanilang anak , ako ang kauna unahang apo sa side ng mama ko, kaya giliw na giliw na silang magkaanak.
      January 28, 1994 ganap na alas tres ng medaling araw ng akoy isinilang ng aking ina. Tuwang tuwa sila ang ganda ko daw nung akoy baby pa lamang! Lumaki na si Crisna Day Austria, nagging malikot na at madaldal ang sabi ng mama ko.
       1st birthday ko umuwi ang lola o mama ng aking ina na tgaling sa ibang bansa. Ang dami kong handa kasi pinagipunan talaga yun. Hangang sa lumaki na ako ng lumaki hanggang sa natuto na akong magsalita. Pinasok na nila ako sa school sa Villa Antonio 1. Lumalaki ako nagiging paborito ako ng lahat. Dahil bibo daw ako nung baa daw ako!
            Hanggang sa makagraduate ako ng kinder pinasok na kaagad ako ng grade one sa Ambray. Ngunit nung akoy nagkasakit inilipat agad ako ng school sa San Gabriel. Doon naging maganda ang kalagayan ko at lumawak ang isipan ko. Marami akong bagong nakilala don. Katulad ng mga kaklase ko na ang bait bait ng sobra sa akin kahit na transfer lang ako dun.
Im crisna day!
I want to be a model haha:)
          Noong grade two ako marami akong natutunan ko sa teacher kong si Ms. Eseo dalaga pa ito at itoy may boyfriend na sundalo. Nung grade two ako ipinanglalaban ako ng muse sa mga contest. At naging honor pa ako dun! Marami sa aming kaklase may crush ako. Pero ngunit bata  pa ako . kapag may nagkakagusto sa akin na absent ako kasi ayoko ng may nagkakagusto sa akin.:)
      Grade three ako nakilala ko ang pinakamabait kong kaklase na si Emerson Ballester! Parang magkapatid kame nung mga time na yon. Dahil kahit san kami magpunta lagi kameng magkasama pati mga magulang namin. Noong grade three ako naging muse na naman ako at honor din.
      Marami na akong napagdaanan noong grade three ako kasi yung kababata kong lalaki nagkagusto sa akin nun. Pero ayoko naman kasi super close kame nun as in! syempre bata pa, di pa alam ang kung anu ang love! Sa Liceo noon napasok ang aking kababata.
      Grade four ako nagkahiwalay kame ng bestfriend ko dahil lilipat na daw sila ng bahay at lilipat na din siya ng school sa Binyan daw. Noon lagi niya akong tinatawagan , mahirap daw ang buhay nila doon hindi katulad nung sila ay nasa San Pablo pa. ngunit walang magagawa yun ang gusto ng tita niya.
     Marami siyang napagdaana dahil nagkahiwalay ang magulang niya at nabuntis sa ibang lalaki ang nanay niyaL pero ang kababata ko naman ay going strong pa din sa panliligaw sa akin ngunit ayoko pa dahil bata pa kame nun. Pero nagako kames a isat isa na hanggang sa paglaki namin kame sana ang magkatuluyan. Dahil boto naman ang mga magulang at kamag anak naming.
deya(nickname ko)
      Grade five ako muse pa din ako. In fairness ganun pa din din a bumalik ang bestfriend ko at nawalan na kame ng communication sa isat isa. Ang balita pa daw lalo daw silang naghirap dun.
      Hayzzt! Dalaga na ako at the age of twelve may nagkagusto sa aking practice teacher lang sa aming shool. Nalaman ko lang na may gusto sya sa akin dahil iniintay niya ako pag napasok at pag awasan. Marami akong naranasan ditto katulad ng naranasan kong may nagalit sa akin dahil nagkagusto sa akin ang gusto nila. Pero syempre bata pa ako at hindi pa ako marunong makipag away noon. Tuwing walang pasok kasama ko ang aking kababata namamasyal kasama ang kanyang mommy.
       Grade six ako at 1st year na ang kababata ko. Muse pa din ako at secretary sa room. Lagi lagging ganun ang ginagawa ko sa school ng San Gabriel lagi daw akong ipinanglalaban kasi baby face daw ako. Happy ako nung mga panahong  iyon kasi 1st time kong magka monthly period hindi ko inaasahang magkakaganu na ako. Mahilig pa naman akong maglaro ng takbuhan. Wala ang mama ko nasa ibang bansa sya nun. Kaylangan daw niyang umalis ng bansa kasi mahirap ang buhay nun.  Mahirap at masakit pag walang magulang sa Family Day hindi ko makasama ang magulang ko lagging busy si papa  ko parang nakakalimutan na kaming magkakapatid. Nalungkot kame dahil hindi na kame naalagaan ng mabuti. Mayron man  nag aalaga lola ko, kaso kaso matanda na siya kaya pag minsan hindi na kame masyadong alagang alaga.minsan na lang naming makasama an gaming ama dahil nagrerest day siya pero tuloy pa din ang trabaho niya , nagbabyahe siya sa manila kasama ng bossing niya.
       Tapos yung kababata ko naman naging busy sya. Pero pag weekends kasama ko siyang nagaasikaso ng mga papeles niya. Nalaman ko nalang kaya pala siya nagaasikaso dahil papunta nap ala siyang inang bansa. Ang lungkot ko nun dahil unti unti nang nawawala ang mga malalapit sa buhay ko. Iniiwan na nila ako, pagkatapos ng saya lungkot naman ang dumating. Ang sakit sakit sa damdamin ko noon. Unti unti akong nagkakaisip nun at nalalaman ko na ang mga tama at mali.
      Pero kahit ganun gagraduate na ako. Uuwi na ang ina kong galing sa Singapore, Taiwan, at kung saan saang bansa. At ang papa ko ay nagka oras na sa amin dahil sinabi ko sa kanya na nawawalan na siya ng oras sa aming magkakapatid.
      Pagkalipas ng ilang buwan umasok na ako ng 1st year hanggang 4th year dito sa Col. Lauro D. Dizon Mem. Natl . H.S. marami akong nakilalang mga bagong kaibigan, dati rati natatakot akong mapahiwalay sa mga ddati kong mga kaibigan ko noong elementary ako.
     Dito sa paaralang ito dito maraming pagsubok ang dumating sa buhay ko. Minsan nahihirapan ako sa akingpag aaral. Dahil may mga lectures na hindi ko ma gets. Mahilid ako sa Major Subject na AP, Filipino. Medyo nahihirapan ako sa Math dahil nahihirapan pa akong mag compute ng mahaba.
nagmemajoret ako
       Minsan absent ako dahil sa pagmamarjoret ko. Minsan nahuhuli ako sa mga klase sa school. Hindi ako makasabay dahil nga sa asent ako. Nararamdaman ko ding may umaaway dito sa akin sa school. Pero kahit papaanu nalalampasan ko din ito.
       At ngayon 4th year na ako at malapit ng gunaraduate. Nagpapasalamat ako sa mga nakasalamuha ko sa school na to. Ditto naramdaman ko na kung pano maging tunay na tao. Salamat sa mga magulang ko na nagpapatuloy sa pa rin sa pag aalaga sa akin at pagtitiyaga, kahit minsan pasaway ako. Pero kahit ganun mahal na mahal ko silang mga pamilya ko. Sana patuloy pa din ang blessings sa buhay ko at sana Makita ko ang taong magpapasaya ng buong buhay ko.
Crisna Day Austria
      At ito ang talambuhay ko. Salamat sa pagbabasa!
:))

Friday, February 18, 2011

Talambuhay Ni Joey Albert Ramos


Im Joey ALbert Ramos
           Isang gabi isang bata ang isinilang ng mag asawang Loida at Roberto sa barangay Bagong Pook noong Marso 17, 1995, na nagngangalang Joey Albert Ramos. Pagkaraan ng ilang buwan ay bininyagan ako sa simbahan ng Katoliko sa Lungsod ng San Pablo .
      Mahilig akong buhatin at laruin ng aking mga magulang at aking mga tiyuhin at tiyahin. Meron din akong sampung ninang at ninang noong akoy bininyagan maraming handa noon.
      Noong akoy nagisang taong gulang na ay pinaghanda ulit ako ng akning mga magulang . Pagkaraan ng ilan pang mga taon ay iniwan kame n gaming mga magulang upang magtrabaho sa ibang bansa.
      Ang aking ama ay naghanap ng trabaho sa Saudi Arabia bilang isang driver at kaagad siya ay natanggap, ilang taon din ang tiniis ng aking ama na hindi kame makita, para lang makapagpadala ng pera sa amin .
      Ang aking ina naman ay napakasipag at matiyaga pagkatapos ng ilang taon ay umuwi na ang aking mga magulang. Sa wakas makikita ko na ulit sila..
       Samantala ang ina ko naman ang nagtrabaho sa malayo, naghanap sya ng trabaho sa Japan at siya ay natanggap agad din. Kagaya din ng aking ama tiniis niya na hindi rin kame makita upang magkaroon din ng perang ipapadala sa amin para mabuhay kame at nagtiis di kame na hindi sya makita. Lahat ng yan ay tiniis naming dahil sa hirap ng buhay., kaya sila aay nagtrabaho sa malayo , kaya kaylangan lang magtiis .
      Pagkaraan ng ilang taon umuwi na din sila  at talagang na miss naming sila..
      At pagkatapos noon ay hindi na ulit sila umalis pa para makasama kame ng mataal ang aking mga kapatid.
     At noong taong 2000 , ay pumasok na ako. Private school sa maharlika high way na kung tawagin ay Ramirez Kindergarten at araw araw ay binibili ako ng aking magulang sa Jollibee at yun ang aking recess pag ako ay napasok pagkakatapos kong mag kinder sa taong 2001 ay pumasok ako sa Paaralang San Palo Central School doon ko na sinimulan ang aking mga pangarap.
     Mahirap ang pmasok , kelangan magtiis , maraming karanasan ang aking natamo noong akoy uuna pa laang napasok ng grade one. Akoy tinuruang magsulat at magbasa . kinakabahan ako dahil malulupit ang mga guro ko. Kada ahpon sinusundo ako ng aking ama at mahirap ang nagging grade school pa lamang at pinilit kong tapusin ito para sa aking mga magulang upang makamit ko ang aking mga pangarap.
          At pagkatapos ko ay pumasok naman ako ng secondarya sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Umpisa madali lang ang lahat ngunit medyo mahirap din at tinapo ko ang 1st year.
       2nd year ay bumaba ang aking section , medyo mahirap na ang aking kalagayan, dahil sa pahirap na ng pahirap ang pinagaaralang mga asignatura , pero pinilit ko pa din itong tapusin.
      3rd year dito ko natutunan ang magsikap at nung malapit nang matapos ang taon ng 3rd year nagloko ako. Akoy kinabahan at baka di ako maatapos ng 4th year at baka mag ulit pa ko . naawa naman ang mga guro ko at binigyan ako ng mga proyekto. Sinikap kong gawin ang lahat ng iyon para makatungtong ako ng 4th year.
mga barkada ko
     4th year at upang maabot ang aking mga pangarap at ngayon ako ay ikaapat na at ditto ko malalaman kung ako ay makakatungtong ng kolehiyo at kung papalarin sana makaabot ako sa akng pangarap na makapagtapos at matulungan ang aking mga pamiya.
      Ang high school life ang pinakamasaya sa buhay ko. Dito ako natututo ng magagandang asal at masasamang asal. Dito ko din natutunan kung panu makipag kapwa tao sa mga hayop. Haha sa mga tao pala. masaya lang talaga ako , kasi dito ko natutunan kung panu magkaroon n inspirasyon sa buhay, katulad nalang ng pamilya ko at ng mga crush ko at mga kaibigan ko . sobrang saya ko kasi naging parte sila ng buhay ko. hinding hindi ko sila makakalimutan lalo na ang mga BFF ko. Lalo na ngayon magtatapos na ang high school na maraming memories at masasayang alala . Ang mga kulitan at mga tambay namin sa oval at mga tampuhan namin. masaya ako at nakilala ko sila lalo na ang kalihim boys at four fearless na nagpabago sa akin.
     Sana sa pag graduate namin di nila ako malimutan at ang mga masasayang alala namin. God Bless Us!
Varsity players

kasale ako sa varsity ng school
      Ako ay mahilig sa basketball. Noong bata pa ako ay tinatawanan ako pag ako ay naglalaro ng basketball at akoy nagsikap para matuto maglaro at ngayon ako ay nagging varsity ng Dzon high. Pipilitin ko pang gumaling sa paglalaro para malayo ang marating ko.
       At hilig ko naman kumain ng mga chichirya at ang paborito kong ulam ay adobo , karekare, chicken at marami pang iba. At hilig ko ang making ng mga love sing at rap song para sa akin ang musika ay nagbibigay kulay sa bawat isa.
          At nung ako ay nagbabasketball sa may sambat ako ay naglaro sa aking pagtalon at sa pag patak ng aking mga paa ay nabalian ako sa paa.. at salamat sa diyo hindi pa ako nababalian sa kamay at paa.
       Pero pag ako ay naglalaro ay nagiingat naman ako para hindi na maulit yon. At habang ako ay hinihilot yung paa ay iyak ako ng iyak sa paghilot ni manong cesar.
       Kadahapon pag awas ko sa computer shop ang deretso ko at ako ay nagbubukas ng facebook at tingnan kung sino ang tropang online at titingnan ko din kung online ang crush ko. At pagkatapos mag facebook ay naglalaro naman ako ng special force o kaya naman ay dota. Pero hindi ko inuubos ang oras ko sa mga ganun. Naliban lamang ng pagpasok para lang mag computer.
barkada ko sa joel town

tropa ko sa joel town
      At ang mga tropa kong mga taga joel town sila ang nagsabi na pag did aw ako naka graduate ay wag na wag ko na daw sila pupuntahan at baka sila ang masisi ng mga magulang ko dahil sila lamang ang nagturo sakin ng mga ganung bagay. Sa kanila ko naman natutunan ang makisama sa mga kaibigan…
      Salamat sa kanila at nadyan sila at akoy naalalayan saw ala kong kamalayan sa mundo, ito ang buhay ko ng mga nadaanan kong mga taon!
fieldtrip namin!to!
Salamat po!